Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kawikaan 15:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Ang pagkatakot kay Jehova ay nagsasanay sa isang tao na maging marunong,+

      At ang kapakumbabaan ay umaakay sa karangalan.+

  • Mateo 20:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Hindi kayo dapat maging ganiyan;+ sa halip, ang sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo,+

  • Mateo 23:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sinumang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa,+ at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.+

  • Lucas 9:48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 48 at sinabi sa kanila: “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.+ Dahil ang gumagawing gaya ng isang nakabababa sa gitna ninyong lahat ang talagang dakila.”+

  • Lucas 14:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”+

  • Lucas 22:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Pero hindi kayo dapat maging gayon,+ kundi ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maging gaya ng pinakabata,+ at ang nangunguna ay dapat na maging gaya ng naglilingkod.

  • Santiago 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Magpakababa kayo sa paningin ni Jehova,*+ at itataas niya kayo.+

  • 1 Pedro 5:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sa katulad na paraan, kayong mga nakababatang lalaki, magpasakop kayo sa matatandang lalaki.+ Pero lahat kayo ay magbihis* ng kapakumbabaan* sa pakikitungo sa isa’t isa, dahil ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas, pero nagpapakita siya ng walang-kapantay* na kabaitan sa mga mapagpakumbaba.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share