-
Marcos 10:2-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Lumapit sa kaniya ang mga Pariseo para subukin siya. Nagtanong sila kung puwedeng diborsiyuhin ng isang lalaki ang kaniyang asawa.+ 3 Sumagot siya: “Ano ang iniutos ni Moises sa inyo?” 4 Sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises ang pagsulat ng isang kasulatan ng paghihiwalay para madiborsiyo ang asawang babae.”+ 5 Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Isinulat niya ang utos na ito dahil sa katigasan ng puso ninyo.+ 6 Pero mula sa pasimula ng paglalang, ‘ginawa Niya silang lalaki at babae.+ 7 Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina,+ 8 at ang dalawa ay magiging isang laman,’+ kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. 9 Kaya ang pinagsama* ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”+ 10 Nang nasa bahay na uli sila, tinanong siya ng mga alagad tungkol dito. 11 Sinabi niya sa kanila: “Ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay nangangalunya+ at nagkakasala sa kaniyang asawa, 12 at kung ang isang babae ay mag-asawa ng iba pagkatapos makipagdiborsiyo sa asawa niya, nangangalunya siya.”+
-