Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malakias 2:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Dahil napopoot ako* sa pagdidiborsiyo,”+ ang sabi ni Jehova na Diyos ng Israel, “at sa isa na dinurumhan ng karahasan ang kaniyang damit,”* ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. “At ingatan ninyo ang inyong saloobin,* at huwag kayong magtaksil.+

  • Mateo 1:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Pero dahil ang asawa niyang si Jose ay matuwid at ayaw nitong maging kahiya-hiya si Maria sa mga tao, nagbalak si Jose na diborsiyuhin* siya nang palihim.+

  • Mateo 19:3-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At lumapit sa kaniya ang mga Pariseo para subukin siya. Nagtanong sila: “Puwede bang diborsiyuhin ng isang lalaki ang asawa niya sa kahit anong dahilan?”+ 4 Sinabi niya: “Hindi ba ninyo nabasa na siya na lumalang* sa kanila mula sa pasimula ay ginawa silang lalaki at babae+ 5 at sinabi: ‘Dahil dito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at mamumuhay kasama* ng kaniyang asawang babae, at ang dalawa ay magiging isang laman’?+ 6 Kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya ang pinagsama* ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”+ 7 Sinabi nila sa kaniya: “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises ang pagbibigay ng isang kasulatan ng paghihiwalay para madiborsiyo ang asawang babae?”+ 8 Sinabi niya sa kanila: “Dahil sa katigasan ng puso ninyo, pinahintulutan kayo ni Moises na diborsiyuhin ang inyong mga asawang babae,+ pero hindi ganoon sa pasimula.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share