Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At binigyan siya ng awtoridad na mamahala,+ ng karangalan,+ at ng isang kaharian, para paglingkuran siya ng lahat ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika.+ Ang pamamahala niya ay walang hanggan—hindi ito magwawakas, at hindi mawawasak ang kaharian niya.+

  • Mateo 20:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ano ang gusto mo?” Sumagot siya: “Kapag naroon ka na sa iyong Kaharian, paupuin mo sana sa tabi mo ang dalawa kong anak, isa sa kanan mo at isa sa kaliwa mo.”+

  • Lucas 22:28-30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 “Gayunman, kayo ang mga nanatiling kasama ko+ sa aking mga pagsubok;+ 29 at nakikipagtipan ako sa inyo para sa isang kaharian, kung paanong nakipagtipan sa akin ang aking Ama,+ 30 para makakain kayo at makainom sa aking mesa sa Kaharian ko+ at makaupo sa mga trono+ para humatol sa 12 tribo ng Israel.+

  • 1 Corinto 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Hindi ba ninyo alam na ang mga banal ang hahatol sa sanlibutan?+ At kung hahatulan ninyo ang sanlibutan, hindi ba kaya rin ninyong litisin ang napakaliit na mga bagay?

  • Apocalipsis 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay binigyan ng awtoridad na humatol. Oo, nakita ko ang dugo ng mga pinatay* dahil sa pagpapatotoo nila tungkol kay Jesus at pagsasalita tungkol sa Diyos, ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa estatuwa nito at hindi tumanggap ng marka sa noo at kamay nila.+ At nabuhay sila at nagharing kasama ng Kristo+ sa loob ng 1,000 taon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share