-
Marcos 14:43-47Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
43 Agad-agad, habang nagsasalita pa siya, dumating si Hudas, na isa sa 12 apostol, kasama ang maraming taong may mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga punong saserdote at mga eskriba at matatandang lalaki.+ 44 Ang magtatraidor sa kaniya ay nagbigay na sa kanila ng isang palatandaan. Sinabi niya: “Kung sino ang hahalikan ko, siya iyon; dakpin ninyo siya at bantayang mabuti.” 45 Lumapit siya agad kay Jesus at nagsabi, “Rabbi!” at magiliw itong hinalikan. 46 Kaya sinunggaban nila ito at inaresto. 47 Pero ang isa sa mga nakatayo roon ay humugot ng espada. Tinaga niya ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang tainga nito.+
-
-
Lucas 22:47-51Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
47 Habang nagsasalita pa siya, maraming tao ang dumating at pinangungunahan sila ng lalaking tinatawag na Hudas, na isa sa 12 apostol, at nilapitan nito si Jesus para halikan.+ 48 Pero sinabi ni Jesus: “Hudas, tinatraidor mo ba ang Anak ng tao sa pamamagitan ng isang halik?” 49 Nang maisip ng mga nasa paligid niya kung ano ang mangyayari, sinabi nila: “Panginoon, gagamitin na ba namin ang espada?” 50 Tinaga pa nga ng isa sa kanila ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang kanang tainga nito.+ 51 Pero sinabi ni Jesus: “Tumigil kayo!” Hinipo niya ang tainga nito at pinagaling.
-