Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:47-51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Habang nagsasalita pa siya, dumating si Hudas, na isa sa 12 apostol, kasama ang maraming taong may mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga punong saserdote at matatandang lalaki ng bayan.+

      48 Ang magtatraidor sa kaniya ay nagbigay na sa kanila ng isang palatandaan. Sinabi niya: “Kung sino ang hahalikan ko, siya iyon; dakpin ninyo siya.” 49 Lumapit siya agad kay Jesus at nagsabi: “Magandang gabi, Rabbi!” at magiliw itong hinalikan. 50 Pero sinabi ni Jesus: “Bakit ka nandito?”+ Pagkatapos, lumapit ang mga tao at sinunggaban si Jesus at inaresto siya. 51 Pero ang isa sa mga kasama ni Jesus ay humugot ng espada. Tinaga niya ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang tainga nito.+

  • Lucas 22:47-51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Habang nagsasalita pa siya, maraming tao ang dumating at pinangungunahan sila ng lalaking tinatawag na Hudas, na isa sa 12 apostol, at nilapitan nito si Jesus para halikan.+ 48 Pero sinabi ni Jesus: “Hudas, tinatraidor mo ba ang Anak ng tao sa pamamagitan ng isang halik?” 49 Nang maisip ng mga nasa paligid niya kung ano ang mangyayari, sinabi nila: “Panginoon, gagamitin na ba namin ang espada?” 50 Tinaga pa nga ng isa sa kanila ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang kanang tainga nito.+ 51 Pero sinabi ni Jesus: “Tumigil kayo!” Hinipo niya ang tainga nito at pinagaling.

  • Juan 18:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kaya isinama roon ni Hudas ang mga sundalo at ang mga guwardiya ng mga punong saserdote at mga Pariseo, at may dala silang mga sulo, lampara, at sandata.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share