Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 14:60-65
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 60 Pagkatapos, ang mataas na saserdote ay tumayo sa gitna nila at nagtanong kay Jesus: “Wala ka bang isasagot? Ano itong sinasabi nila laban sa iyo?”+ 61 Pero nanatili siyang tahimik at hindi sumagot.+ Muli siyang tinanong ng mataas na saserdote: “Ikaw ba ang Kristo, ang Anak ng Kataas-taasan?” 62 Pagkatapos, sinabi ni Jesus: “Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng tao+ na nakaupo sa kanan+ ng Makapangyarihan-sa-Lahat* at dumarating na kasama ng mga ulap sa langit.”+ 63 Nang marinig ito ng mataas na saserdote, pinunit niya ang damit niya at sinabi: “Bakit kailangan pa natin ng mga testigo?+ 64 Narinig ninyo ang pamumusong* niya. Ano ang desisyon ninyo?”* Lahat sila ay humatol na nararapat siyang mamatay.+ 65 At dinuraan siya ng ilan,+ tinakpan ang mukha niya, at sinuntok siya at sinabi sa kaniya: “Manghula ka!” At matapos siyang sampalin, kinuha siya ng mga tagapaglingkod ng hukuman.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share