-
Marcos 15:16-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Dinala siya ngayon ng mga sundalo sa looban ng bahay ng gobernador, at tinipon nila ang buong pangkat ng mga sundalo.+ 17 At sinuotan nila siya ng damit na purpura* at gumawa sila ng koronang tinik at inilagay iyon sa ulo niya. 18 At sinasabi nila sa kaniya: “Magandang araw,* Hari ng mga Judio!”+ 19 Gayundin, hinahampas nila siya ng tambo sa ulo at dinuduraan, at lumuluhod sila at yumuyukod sa kaniya. 20 Matapos nila siyang gawing katatawanan, hinubad nila sa kaniya ang damit na purpura at isinuot sa kaniya ang damit niya. At inilabas nila siya para ipako sa tulos.+
-