-
Mateo 27:27-31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Pagkatapos, dinala si Jesus ng mga sundalo ng gobernador sa bahay ng gobernador, at tinipon nila ang buong pangkat ng mga sundalo sa palibot niya.+ 28 At pagkahubad sa kaniya, sinuotan nila siya ng matingkad-na-pulang balabal,+ 29 at gumawa sila ng koronang tinik at inilagay iyon sa ulo niya at pinahawakan sa kanang kamay niya ang isang tambo. Lumuhod sila sa harap niya at ginawa siyang katatawanan. Sinasabi nila: “Magandang araw,* Hari ng mga Judio!” 30 At dinuraan nila siya+ at kinuha ang tambo at pinaghahampas siya sa ulo. 31 Matapos nila siyang gawing katatawanan, hinubad nila sa kaniya ang balabal at isinuot sa kaniya ang damit niya at inilabas siya para ipako sa tulos.+
-