-
Marcos 15:29-32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 At ang mga dumadaan ay pailing-iling at iniinsulto siya:+ “O, ano? Hindi ba ibabagsak mo ang templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw?+ 30 Iligtas mo ang sarili mo! Bumaba ka diyan sa pahirapang tulos!”* 31 Ininsulto rin siya ng mga punong saserdote pati ng mga eskriba. Sinasabi nila sa isa’t isa: “Iniligtas niya ang iba; ang sarili niya, hindi niya mailigtas!+ 32 Kung makikita lang natin ngayon na bumaba sa pahirapang tulos* ang Kristo na Hari ng Israel, maniniwala na tayo.”+ Ininsulto rin siya pati ng mga nakapako sa mga tulos sa tabi niya.+
-