-
Mateo 27:39-42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
39 At ang mga dumadaan ay pailing-iling+ at iniinsulto siya:+ 40 “Hindi ba ibabagsak mo ang templo at itatayo ito sa loob ng tatlong araw?+ Iligtas mo ang sarili mo! Kung anak ka ng Diyos, bumaba ka sa pahirapang tulos!”*+ 41 Ininsulto rin siya ng mga punong saserdote pati ng mga eskriba at matatandang lalaki:+ 42 “Iniligtas niya ang iba; ang sarili niya, hindi niya mailigtas! Siya ay Hari ng Israel;+ bumaba siya ngayon sa pahirapang tulos* at maniniwala kami sa kaniya.
-