-
Mateo 20:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Habang papunta* sa Jerusalem, ibinukod ni Jesus ang 12 alagad. Sinabi niya sa kanila sa daan:+ 18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+ 19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay* sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+
-
-
Lucas 18:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Pagkatapos, ibinukod niya ang 12 apostol at sinabi: “Makinig kayo. Pupunta* tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng isinulat sa pamamagitan ng mga propeta tungkol sa Anak ng tao ay matutupad.+ 32 Halimbawa, ibibigay siya sa mga tao ng ibang mga bansa,+ tutuyain,+ iinsultuhin, at duduraan.+ 33 Pagkatapos siyang hagupitin, papatayin nila siya,+ pero sa ikatlong araw ay mabubuhay siyang muli.”+
-