Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 16:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Mula noon, ipinaliwanag na ni Jesus sa mga alagad niya na kailangan niyang magpunta sa Jerusalem at magdusa nang husto sa kamay ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at kailangan siyang patayin at sa ikatlong araw ay buhaying muli.+

  • Mateo 20:17-19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Habang papunta* sa Jerusalem, ibinukod ni Jesus ang 12 alagad. Sinabi niya sa kanila sa daan:+ 18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+ 19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay* sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+

  • Marcos 10:32-34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Si Jesus at ang mga alagad niya ay papunta* ngayon sa Jerusalem, at nauuna sa kanila si Jesus. Namangha ang mga alagad, pero ang mga sumusunod sa kanila ay natakot. Muling ibinukod ni Jesus ang 12 apostol at sinabi sa kanila ang mga bagay na ito na mangyayari sa kaniya:+ 33 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa, 34 at tutuyain siya ng mga ito, duduraan, hahagupitin, at papatayin, pero pagkaraan ng tatlong araw ay mabubuhay siyang muli.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share