-
Mateo 20:29-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Habang papalabas sila mula sa Jerico, maraming tao ang sumunod sa kaniya. 30 May dalawang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumadaan si Jesus, sumigaw sila: “Panginoon, maawa ka sa amin, Anak ni David!”+ 31 Pero sinaway sila ng mga tao at sinabihang tumahimik; pero lalo pa nilang nilakasan ang sigaw nila at sinabi: “Panginoon, maawa ka sa amin, Anak ni David!” 32 Kaya huminto si Jesus, tinawag sila, at sinabi: “Ano ang gusto ninyong gawin ko para sa inyo?” 33 Sinabi nila sa kaniya: “Panginoon, gusto naming makakita.” 34 Dahil sa awa, hinipo ni Jesus ang mga mata nila,+ at nakakita sila agad, at sumunod sila sa kaniya.
-
-
Lucas 18:35-43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Habang papalapit si Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.+ 36 Dahil narinig niyang maraming tao ang dumadaan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. 37 Sinabi nila sa kaniya: “Dumadaan si Jesus na Nazareno!” 38 Kaya sumigaw siya: “Jesus, Anak ni David, maawa ka sa akin!” 39 Sinasaway siya ng mga nasa unahan at sinasabing tumahimik siya, pero lalo lang niyang isinigaw: “Anak ni David, maawa ka sa akin!” 40 Kaya huminto si Jesus at iniutos na ilapit sa kaniya ang lalaki. Nang makalapit ito, itinanong ni Jesus: 41 “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” Sinabi niya: “Panginoon, gusto kong makakita uli.” 42 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya: “Makakakita ka nang muli; pinagaling ka ng pananampalataya mo.”+ 43 Agad siyang nakakita, at nagsimula siyang sumunod sa kaniya,+ na niluluwalhati ang Diyos. Gayundin, nang makita ito ng mga tao, lahat sila ay pumuri sa Diyos.+
-