-
Lucas 21:29-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Kaya sinabi niya sa kanila ang ilustrasyong ito: “Pansinin ninyo ang puno ng igos at lahat ng iba pang puno.+ 30 Kapag nakita ninyong may usbong na ang mga ito, alam ninyo na malapit na ang tag-araw. 31 Sa katulad na paraan, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, makakatiyak kayong malapit na ang Kaharian ng Diyos. 32 Sinasabi ko sa inyo na ang henerasyong ito ay hindi lilipas hanggang sa mangyari ang lahat ng ito.+ 33 Ang langit at lupa ay maglalaho, pero ang mga salita ko ay hindi maglalaho.+
-