-
Mateo 24:32, 33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 “Ngayon ay matuto kayo sa ilustrasyon tungkol sa puno ng igos: Sa sandaling tubuan ito ng malalambot na sanga at umusbong ang mga dahon nito, alam ninyo na malapit na ang tag-araw.+ 33 Sa katulad na paraan, kapag nakita ninyong nangyayari na ang lahat ng ito, makakatiyak kayong malapit na siya at nasa pintuan na.+
-
-
Marcos 13:28, 29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 “Ngayon ay matuto kayo sa ilustrasyon tungkol sa puno ng igos: Sa sandaling tubuan ito ng malalambot na sanga at umusbong ang mga dahon nito, alam ninyo na malapit na ang tag-araw.+ 29 Sa katulad na paraan, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, makakatiyak kayong malapit na siya at nasa pintuan na.+
-