-
Mateo 12:24-29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila: “Nagpapalayas ng mga demonyo ang taong ito sa tulong ni Beelzebub,* ang pinuno ng mga demonyo.”+ 25 Alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bawat kaharian na nababahagi ay babagsak, at bawat lunsod o pamilya na nababahagi ay mawawasak. 26 Ngayon, kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, kinakalaban niya ang sarili niya; kaya paano tatayo ang kaharian niya? 27 At kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebub, sino ang tumutulong sa mga tagasunod ninyo para mapalayas sila? Kaya ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na mali kayo.* 28 Pero kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa tulong ng espiritu ng Diyos, dumating na ang Kaharian ng Diyos nang hindi ninyo namamalayan.+ 29 O paano mapapasok ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao para nakawin ang mga pag-aari nito kung hindi niya muna gagapusin ang malakas na tao? Kapag nagawa niya iyon, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito.
-