Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 12:24-30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila: “Nagpapalayas ng mga demonyo ang taong ito sa tulong ni Beelzebub,* ang pinuno ng mga demonyo.”+ 25 Alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bawat kaharian na nababahagi ay babagsak, at bawat lunsod o pamilya na nababahagi ay mawawasak. 26 Ngayon, kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, kinakalaban niya ang sarili niya; kaya paano tatayo ang kaharian niya? 27 At kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebub, sino ang tumutulong sa mga tagasunod ninyo para mapalayas sila? Kaya ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na mali kayo.* 28 Pero kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa tulong ng espiritu ng Diyos, dumating na ang Kaharian ng Diyos nang hindi ninyo namamalayan.+ 29 O paano mapapasok ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao para nakawin ang mga pag-aari nito kung hindi niya muna gagapusin ang malakas na tao? Kapag nagawa niya iyon, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito. 30 Sinumang wala sa panig ko ay laban sa akin, at sinumang hindi nakikipagtulungan sa akin sa pagtitipon ay nagtataboy ng mga tao palayo sa akin.+

  • Marcos 3:22-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Sinasabi rin ng mga eskriba na galing sa Jerusalem: “Sinasapian siya ni Beelzebub,* at pinalalayas niya ang mga demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo.”+ 23 Kaya tinawag niya sila at nagbigay siya sa kanila ng mga ilustrasyon: “Paano mapalalayas ni Satanas si Satanas? 24 Kung ang isang kaharian ay nababahagi, babagsak ang kahariang iyon;+ 25 at kung ang isang pamilya ay nababahagi, mawawasak ang pamilyang iyon. 26 Kaya kung kinakalaban ni Satanas ang sarili niya at ang kaharian niya ay nababahagi,* babagsak siya at iyon na ang wakas niya. 27 Ang totoo, walang makakapasok sa bahay ng isang malakas na tao at makapagnanakaw ng mga pag-aari nito kung hindi niya muna gagapusin ang malakas na tao. Kapag nagawa niya iyon, saka pa lang niya mananakawan ang bahay nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share