-
Mateo 19:28, 29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, sa panahong gagawin nang bago ang lahat ng bagay,* kapag ang Anak ng tao ay umupo sa kaniyang maluwalhating trono, kayo na sumunod sa akin ay uupo rin sa 12 trono para humatol sa 12 tribo ng Israel.+ 29 At ang bawat isa na umiwan sa kaniyang mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa pangalan ko ay tatanggap ng sandaang ulit na mas marami sa mga ito at magmamana ng buhay na walang hanggan.+
-
-
Marcos 10:29, 30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Sinabi ni Jesus: “Sinasabi ko sa inyo, ang lahat ng umiwan sa kanilang bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ina, ama, mga anak, o mga bukid alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita+ 30 ay tatanggap ng 100 ulit sa panahong ito—ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, mga ina, mga anak, at mga bukid, kasama ng mga pag-uusig+—at sa darating na sistema* ay ng buhay na walang hanggan.
-