Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 21:33-41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 “Pakinggan ninyo ang isa pang ilustrasyon: May isang tao na nagtanim ng ubas sa kaniyang bukid.+ Binakuran niya ang ubasan, gumawa siya rito ng pisaan ng ubas, at nagtayo siya ng isang tore;+ pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka, at naglakbay siya sa ibang lupain.+ 34 Pagdating ng anihan, pinapunta niya ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka para kunin ang parte niya sa ani. 35 Pero sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin niya. Ang isa ay binugbog nila, ang isa pa ay pinatay nila, at ang isa pa ay pinagbabato nila.+ 36 Nagpapunta siya uli ng ibang mga alipin, na mas marami kaysa sa nauna, pero ganoon din ang ginawa nila sa mga ito.+ 37 Sa kahuli-hulihan ay pinapunta niya sa kanila ang anak niya. Sa loob-loob niya, ‘Igagalang nila ang anak ko.’ 38 Pagkakita nila sa anak, nag-usap-usap ang mga magsasaka, ‘Siya ang tagapagmana.+ Patayin natin siya at kunin ang mana niya!’ 39 Kaya sinunggaban nila siya at kinaladkad palabas ng ubasan at pinatay.+ 40 Ngayon, kapag dumating ang may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasakang iyon?” 41 Sinabi nila sa kaniya: “Dahil masama sila, pupuksain niya sila at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasaka, na magbibigay sa kaniya ng parte niya kapag anihan na.”

  • Marcos 12:1-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos, nagturo siya sa kanila sa pamamagitan ng mga ilustrasyon: “Isang tao ang nagtanim ng ubas sa kaniyang bukid.+ Binakuran niya ang ubasan, gumawa siya rito ng pisaan ng ubas, at nagtayo siya ng isang tore;+ pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka, at naglakbay siya sa ibang lupain.+ 2 Pagdating ng anihan, pinapunta niya ang alipin niya sa mga magsasaka para kunin ang parte niya sa inaning ubas. 3 Pero sinunggaban nila ito, binugbog, at pinauwing walang dala. 4 Pinapunta ng may-ari ng ubasan ang isa pang alipin, at ang isang iyon ay pinalo nila sa ulo at hiniya.+ 5 At nagpapunta siya ng isa pa, at ang isang iyon ay pinatay nila. Marami pa siyang pinapunta. Ang ilan sa mga ito ay binugbog nila, at ang ilan naman ay pinatay nila. 6 May isa pa siyang puwedeng papuntahin, ang minamahal niyang anak.+ Ito ang huling pinapunta niya sa kanila. Sa loob-loob niya, ‘Igagalang nila ang anak ko.’ 7 Pero nag-usap-usap ang mga magsasaka, ‘Siya ang tagapagmana.+ Patayin natin siya para mapunta sa atin ang mana niya.’ 8 Kaya sinunggaban nila siya at pinatay at kinaladkad palabas ng ubasan.+ 9 Ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Pupuntahan niya at papatayin ang mga magsasaka at ibibigay ang ubasan sa iba.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share