Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 12:1-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Pagkatapos, nagturo siya sa kanila sa pamamagitan ng mga ilustrasyon: “Isang tao ang nagtanim ng ubas sa kaniyang bukid.+ Binakuran niya ang ubasan, gumawa siya rito ng pisaan ng ubas, at nagtayo siya ng isang tore;+ pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka, at naglakbay siya sa ibang lupain.+ 2 Pagdating ng anihan, pinapunta niya ang alipin niya sa mga magsasaka para kunin ang parte niya sa inaning ubas. 3 Pero sinunggaban nila ito, binugbog, at pinauwing walang dala. 4 Pinapunta ng may-ari ng ubasan ang isa pang alipin, at ang isang iyon ay pinalo nila sa ulo at hiniya.+ 5 At nagpapunta siya ng isa pa, at ang isang iyon ay pinatay nila. Marami pa siyang pinapunta. Ang ilan sa mga ito ay binugbog nila, at ang ilan naman ay pinatay nila. 6 May isa pa siyang puwedeng papuntahin, ang minamahal niyang anak.+ Ito ang huling pinapunta niya sa kanila. Sa loob-loob niya, ‘Igagalang nila ang anak ko.’ 7 Pero nag-usap-usap ang mga magsasaka, ‘Siya ang tagapagmana.+ Patayin natin siya para mapunta sa atin ang mana niya.’ 8 Kaya sinunggaban nila siya at pinatay at kinaladkad palabas ng ubasan.+ 9 Ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Pupuntahan niya at papatayin ang mga magsasaka at ibibigay ang ubasan sa iba.+

  • Lucas 20:9-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao ang ilustrasyong ito: “Isang tao ang nagtanim ng ubas sa kaniyang bukid+ at pinaupahan ito sa mga magsasaka, at naglakbay siya sa ibang lupain nang mahaba-habang panahon.+ 10 Pagdating ng anihan, pinapunta niya ang alipin niya sa mga magsasaka para maibigay nila rito ang parte niya sa inaning ubas. Pero binugbog ito ng mga magsasaka at pinauwing walang dala.+ 11 Nagpapunta siya ng isa pang alipin. Binugbog din nila at ipinahiya* ang isang iyon at pinauwing walang dala. 12 Nagsugo siya ng ikatlo; binugbog din nila ito at itinaboy. 13 Kaya sinabi ng may-ari ng ubasan, ‘Ano ang gagawin ko? Isusugo ko ang mahal kong anak.+ Malamang na igagalang nila siya.’ 14 Nang makita siya ng mga magsasaka, nagsabuwatan sila at sinabi nila sa isa’t isa, ‘Siya ang tagapagmana. Patayin natin siya para sa atin mapunta ang mana.’ 15 Kaya kinaladkad nila siya palabas ng ubasan at pinatay.+ Kung gayon, ano ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan? 16 Pupuntahan niya at papatayin ang mga magsasakang iyon at ibibigay ang ubasan sa iba.”

      Nang marinig nila ito, sinabi nila: “Huwag naman sanang mangyari iyan!”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share