7 Pinahirapan siya+ at hinayaan niyang pagmalupitan siya,+
Pero hindi niya ibinuka ang bibig niya.
Dinala siya sa katayan gaya ng isang tupa,+
Gaya ng isang babaeng tupa na tahimik sa harap ng mga manggugupit nito,
At hindi niya ibinuka ang bibig niya.+
8 Dahil sa di-makatarungang hatol ay pinatay siya;
At sino ang magbibigay-pansin sa mga detalye ng pinagmulan niya?
Inalis siya sa lupain ng mga buháy;+
Dahil sa kasalanan ng bayan ko ay tumanggap siya ng hampas.+
9 At binigyan siya ng libingan kasama ng masasama+
At kasama ng mayayaman noong mamatay siya,+
Kahit na wala siyang ginawang mali
At hindi siya nagsalita nang may panlilinlang.+