-
Gawa 11:5-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 “Nasa lunsod ako noon ng Jope at nananalangin. Nakita ko sa isang pangitain ang isang tulad ng malaking telang lino na nakabitin sa apat na dulo nito; bumaba ito mula sa langit papunta sa akin.+ 6 Tiningnan ko iyon nang mabuti, at may nakita akong mga hayop sa lupa na apat ang paa, mababangis na hayop, mga reptilya,* at mga ibon sa langit. 7 May narinig din akong tinig na nagsabi: ‘Tumayo ka, Pedro, magkatay ka at kumain!’ 8 Pero sinabi ko: ‘Hindi puwede, Panginoon! Dahil kahit kailan, wala pang anumang marumi o ipinagbabawal ang pumasok sa bibig ko.’ 9 Nagsalita ulit ang tinig mula sa langit: ‘Huwag mo nang tawaging marumi ang mga bagay na nilinis na ng Diyos.’ 10 Nagsalita ito sa ikatlong pagkakataon, at ang lahat ng iyon ay iniakyat pabalik sa langit.
-