-
Gawa 10:10-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pero nagutom siya nang husto, at gusto niyang kumain. Habang ipinaghahanda siya ng pagkain, nakakita siya ng isang pangitain.+ 11 Nakita niyang bumukas ang langit at ibinaba sa lupa ang isang tulad ng malaking telang lino na nakabitin sa apat na dulo nito; 12 at nasa loob nito ang iba’t ibang klase ng hayop na apat ang paa at mga reptilya* sa lupa at mga ibon sa langit. 13 At sinabi ng isang tinig: “Tumayo ka, Pedro, magkatay ka at kumain!” 14 Pero sinabi ni Pedro: “Hindi ko kaya, Panginoon! Dahil kahit kailan, hindi pa ako kumain ng anumang marumi at ipinagbabawal.”+ 15 Muling nagsalita ang tinig: “Huwag mo nang tawaging marumi ang mga bagay na nilinis na ng Diyos.” 16 Nagsalita ito sa ikatlong pagkakataon, at agad itong* iniakyat pabalik sa langit.
-