Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 22:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Pinagtatawanan ako ng lahat ng nakakakita sa akin;+

      Pailing-iling sila at nilalait ako:+

  • Awit 34:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Binabantayan niya ang lahat ng kaniyang buto;

      Walang isa man sa mga iyon ang nabali.+

  • Awit 69:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sa halip na pagkain ay binigyan nila ako ng lason,*+

      At nang mauhaw ako, sukà ang ibinigay nila sa akin.+

  • Awit 118:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo

      Ang naging pangunahing batong-panulok.*+

  • Isaias 50:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Iniharap ko ang likod ko sa mga nananakit sa akin

      At ang mga pisngi ko sa mga bumubunot ng balbas.

      Hindi ko iniwas ang mukha ko sa kahiya-hiyang mga bagay at sa dura.+

  • Isaias 53:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Siya ay hinamak at iniwasan,+

      Isang taong nakauunawa ng* kirot at sakit.

      Parang nakatago ang mukha niya sa amin.*

      Hinamak siya, at winalang-halaga namin siya.+

  • Isaias 53:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Pero sinaksak siya+ dahil sa mga kasalanan namin;+

      Pinahirapan siya dahil sa mga pagkakamali namin.+

      Siya ang tumanggap ng parusa para magkaroon kami ng kapayapaan,+

      At dahil sa mga sugat niya ay gumaling kami.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share