-
Gawa 9:39, 40Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
39 Kaya sumama agad sa kanila si Pedro. Pagdating doon, isinama nila siya sa silid sa itaas; at humarap sa kaniya ang lahat ng biyuda na umiiyak habang ipinapakita ang maraming kasuotan at mahabang damit* na ginawa ni Dorcas noong buháy pa ito. 40 Pagkatapos, pinalabas ni Pedro ang lahat;+ lumuhod siya at nanalangin. Paglapit niya sa bangkay, sinabi niya: “Tabita, bumangon ka!” Dumilat ito at umupo nang makita si Pedro.+
-