Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “‘Huwag kang maghihiganti+ o magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.+ Ako si Jehova.

  • Mateo 7:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Kaya lahat ng gusto ninyong gawin ng mga tao sa inyo, iyon din ang gawin ninyo sa kanila.+ Sa katunayan, ito ang pinakadiwa ng Kautusan at mga Propeta.*+

  • Mateo 22:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Ang ikalawa na gaya nito ay ‘Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’+

  • Roma 13:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Huwag kayong magkautang sa sinuman maliban sa pag-ibig sa isa’t isa;+ dahil ang umiibig sa kapuwa niya ay nakatutupad sa kautusan.+ 9 Dahil ang mga utos na “Huwag kang mangangalunya,+ huwag kang papatay,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag mong nanasain ang pag-aari ng iba,”+ at lahat ng iba pang utos, ay mabubuod sa pananalitang ito: “Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”+

  • Santiago 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ngayon, kung patuloy ninyong tinutupad ang dakilang kautusan ng Hari ayon sa kasulatan, “Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,”+ mabuti naman ang ginagawa ninyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share