-
Colosas 1:25-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Ako ay naging lingkod ng kongregasyong ito dahil sa responsibilidad+ na ibinigay sa akin ng Diyos para sa inyong kapakanan, ang lubusang pangangaral ng salita ng Diyos, 26 ang sagradong lihim+ na hindi ipinaalám sa nakalipas na mga sistema*+ at henerasyon. Pero isiniwalat ito ngayon sa mga banal;+ 27 gusto ng Diyos na ipaalám sa mga banal mula sa ibang mga bansa ang maluwalhating kayamanang ito, ang sagradong lihim+—na si Kristo ay kaisa ninyo, na nangangahulugang may pag-asa kayong makabahagi sa kaluwalhatian niya.+
-