11 Pero ipinatawag ng Paraon ang matatalinong tao at ang mga mangkukulam, at ginawa rin ng mga mahikong saserdote ng Ehipto+ ang himalang iyon gamit ang mahika nila.+ 12 Inihagis nila ang tungkod nila, at naging malalaking ahas ang mga ito; pero nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila.