Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:2-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Baka may isang lalaki o babae sa gitna ninyo, sa isa sa mga lunsod na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, na gumagawa ng masama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova at lumalabag sa tipan,+ 3 at lumihis siya at sumamba at yumukod sa ibang mga diyos o sa araw, buwan, o buong hukbo ng langit,+ isang bagay na hindi ko iniutos.+ 4 Kung may magsabi nito sa iyo o mabalitaan mo ito, dapat mo itong imbestigahang mabuti. Kung mapatunayang+ nangyari nga sa Israel ang kasuklam-suklam na bagay na ito, 5 dalhin mo sa pintuang-daan ng lunsod ang lalaki o babaeng iyon na gumawa ng masama, at dapat batuhin ang lalaki o babae hanggang sa mamatay.+

  • Roma 16:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Hinihimok ko kayo ngayon, mga kapatid, na mag-ingat sa mga nagpapasimula ng pagkakabaha-bahagi at nagiging dahilan ng pagkatisod. Ang mga ginagawa nila ay salungat sa turo na inyong natutuhan, kaya iwasan ninyo sila.+

  • 1 Corinto 5:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pero ngayon ay sinusulatan ko kayo na tigilan ang pakikisama+ sa sinumang tinatawag na kapatid pero imoral,* sakim,+ sumasamba sa idolo, manlalait,* lasenggo,+ o mangingikil,+ at huwag man lang kumaing kasama ng gayong tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share