Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 23:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 “Pero kung tatalikod kayo sa Diyos at makikiisa sa mga bansang naninirahan pang kasama ninyo,+ mag-aasawa ng sinuman mula sa kanila,+ at makikipagkaibigan sa kanila, 13 makakatiyak kayong hindi na itataboy ni Jehova na inyong Diyos ang mga bansang ito* para sa inyo.+ Sila ay magiging bitag at silo sa inyo at hagupit sa mga tagiliran ninyo+ at tinik sa mga mata ninyo hanggang sa malipol kayo mula sa magandang lupaing ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos.

  • 1 Hari 11:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Pero si Haring Solomon ay umibig sa maraming babaeng banyaga+ bukod pa sa anak ng Paraon:+ mga babaeng Moabita,+ Ammonita,+ Edomita, Sidonio,+ at Hiteo.+ 2 Galing sila sa mga bansang tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya sa mga Israelita: “Huwag kayong makikisama sa kanila,* at hindi sila dapat makisama sa inyo, dahil siguradong pasusunurin nila kayo* sa mga diyos nila.”+ Pero mahal na mahal sila* ni Solomon.

  • Ezra 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Kinuha nila ang ilang anak na babae ng mga ito para mapangasawa nila at ng kanilang mga anak.+ Kaya sila, ang banal na bayan,*+ ay nahaluan ng mga tao ng mga lupain.+ Ang matataas na opisyal at ang mga kinatawang opisyal ang pasimuno sa kataksilang ito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share