-
1 Cronica 11:4-6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Nang maglaon, pumunta si David at ang buong Israel sa Jerusalem, sa Jebus,+ kung saan naninirahan ang mga Jebusita.+ 5 Ininsulto si David ng mga nakatira sa Jebus: “Hindi ka makakapasok dito!”+ Pero sinakop ni David ang moog ng Sion,+ na ngayon ay Lunsod ni David.+ 6 Kaya sinabi ni David: “Ang unang sasalakay sa mga Jebusita ay magiging pinuno* at mataas na opisyal.” Si Joab+ na anak ni Zeruias ang unang sumalakay, at siya ang naging pinuno.
-