-
2 Samuel 5:6-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 At ang hari at ang mga tauhan niya ay pumunta sa Jerusalem para labanan ang mga Jebusita+ na nakatira sa lupain. Ininsulto nila si David: “Hindi ka makakapasok dito! Itataboy ka kahit ng mga bulag at mga lumpo.” Iniisip nila, ‘Hindi makakapasok dito si David.’+ 7 Pero sinakop ni David ang moog ng Sion, na ngayon ay Lunsod ni David.+ 8 Kaya sinabi ni David nang araw na iyon: “Ang mga sasalakay sa mga Jebusita ay dapat dumaan sa daluyan ng tubig para patayin ‘ang mga lumpo at mga bulag,’ na kinamumuhian ni David!” Kaya sinasabi ng mga tao: “Ang mga bulag at mga lumpo ay hindi makakapasok sa bahay.” 9 Pagkatapos, nanirahan si David sa moog, at iyon ay tinawag* na Lunsod ni David; at si David ay nagsimulang magtayo ng mga pader at gusali sa Gulod*+ at sa iba pang bahagi ng lunsod.+ 10 Kaya lalong naging makapangyarihan si David,+ at si Jehova na Diyos ng mga hukbo ay sumasakaniya.+
-