-
1 Cronica 17:16-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Kaya umupo si Haring David sa harap ni Jehova at nagsabi: “Sino ako, O Diyos na Jehova? At ano ang sambahayan ko para gawin mo sa akin ang lahat ng ito?+ 17 At para bang kulang pa ito sa iyo, O Diyos, kaya sinabi mo pa ang mangyayari sa sambahayan ng iyong lingkod hanggang sa malayong hinaharap,+ at tiningnan mo ako na parang isang taong dapat pang parangalan,* O Diyos na Jehova. 18 Ano pa ba ang masasabi sa iyo ng lingkod mong si David sa karangalang ibinigay mo sa akin? Kilalang-kilala mo ang iyong lingkod.+ 19 O Jehova, alang-alang sa iyong lingkod at ayon sa iyong kalooban, ginawa mo ang lahat ng dakilang bagay na ito at isiniwalat ang iyong kadakilaan.+ 20 O Jehova, wala kang katulad,+ at walang Diyos maliban sa iyo;+ pinatutunayan ito ng lahat ng narinig namin. 21 At anong bansa sa lupa ang kagaya ng bayan mong Israel?+ Tinubos sila ng tunay na Diyos bilang kaniyang bayan.+ Gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili sa pamamagitan ng iyong dakila at kamangha-manghang mga gawa.+ Itinaboy mo ang mga bansa sa harap ng iyong bayan,+ na tinubos mo mula sa Ehipto. 22 Ginawa mong sarili mong bayan ang Israel sa habang panahon;+ at ikaw, O Jehova, ang naging Diyos nila.+
-