Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 2:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 At sino ang makapagtatayo ng bahay para sa kaniya? Sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasya,+ kaya sino ako para makapagtayo ng bahay para sa kaniya? Ang maitatayo ko lang ay isang lugar na mapagsusunugan ng mga handog sa harap niya.

  • 2 Cronica 6:18-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 “Pero talaga bang maninirahan ang Diyos sa lupa kasama ng sangkatauhan?+ Sa langit, oo, sa langit ng mga langit, ay hindi ka magkasya;+ paano pa kaya sa bahay na ito na itinayo ko?+ 19 Ngayon ay pakinggan mo sana ang panalangin at kahilingan ng lingkod mo, O Jehova na aking Diyos, at makinig ka sa paghingi ng tulong at sa panalangin ng iyong lingkod sa harap mo. 20 Bantayan nawa ng mga mata mo ang bahay na ito araw at gabi, ang lugar kung saan sinabi mong ilalagay mo ang iyong pangalan,+ para mapakinggan ang idinadalangin ng lingkod mo nang nakaharap sa lugar na ito. 21 At pakinggan mo ang paghingi ng tulong ng iyong lingkod at ang mga pakiusap ng bayan mong Israel kapag nanalangin sila nang nakaharap sa lugar na ito,+ at makinig ka nawa mula sa tirahan mo sa langit;+ oo, makinig ka nawa at magpatawad.+

  • Nehemias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 “Walang Diyos na gaya mo, O Jehova;+ ginawa mo ang langit, oo, ang langit ng mga langit at lahat ng naroon,* ang lupa at lahat ng nasa ibabaw nito, at ang mga dagat at lahat ng naroon. Iniingatan mong buháy ang lahat ng iyon, at ang lahat ng nasa langit* ay yumuyukod sa iyo.

  • Gawa 17:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Ang Diyos na gumawa ng mundo at ng lahat ng narito, ang Panginoon ng langit at lupa,+ ay hindi naninirahan sa mga templong gawa ng tao;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share