Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 “‘Kung may dayuhang naninirahang kasama ninyo, dapat din siyang maghanda ng haing pampaskuwa para kay Jehova.+ Dapat niya itong gawin ayon sa batas ng Paskuwa at sa itinakdang paraan para dito.+ Iisang batas ang susundin ng katutubo at ng dayuhang naninirahang kasama ninyo.’”+

  • Ruth 1:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Pero sinabi ni Ruth: “Huwag ninyong hilingin sa akin na iwan kayo at hayaan kayong mag-isa; dahil kung saan kayo pupunta, doon ako pupunta; at kung saan kayo magpapalipas ng gabi, doon ako magpapalipas ng gabi. Ang inyong bayan ay magiging aking bayan, at ang inyong Diyos ay aking Diyos.+

  • 2 Hari 5:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Kaya bumalik siya sa lingkod ng tunay na Diyos,+ siya at ang lahat ng kasama* niya, at tumayo siya sa harap nito at nagsabi: “Alam ko na ngayon na walang Diyos saanman sa lupa maliban sa Israel.+ Pakisuyong tanggapin mo ang isang regalo* mula sa iyong lingkod.”

  • 2 Cronica 6:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 “Tungkol naman sa dayuhang hindi kabilang sa bayan mong Israel pero dumating mula pa sa malayong lupain dahil sa iyong dakilang pangalan*+ at sa malakas mong kamay at sa makapangyarihan* mong bisig, at lumapit siya at manalangin nang nakaharap sa bahay na ito,+ 33 makinig ka nawa mula sa langit, na iyong tirahan, at ibigay mo ang lahat ng hinihiling sa iyo ng dayuhan, para malaman* ng lahat ng bayan sa mundo ang pangalan mo+ at matakot sila sa iyo gaya ng bayan mong Israel, at para malaman nila na ang pangalan mo ay nasa bahay na ito na itinayo ko.

  • Isaias 56:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,

      Para ibigin ang pangalan ni Jehova+

      At maging mga lingkod niya,

      Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito

      At nanghahawakan sa aking tipan,

       7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+

      At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.

      Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.

      Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+

  • Gawa 8:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 Kaya pumunta roon si Felipe, at nakita niya ang isang Etiope, isang mataas na opisyal at naglilingkod kay Candace na reyna ng mga Etiope, at siya ang namamahala sa lahat ng kayamanan nito. Pumunta siya sa Jerusalem para sumamba,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share