Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 16:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 Si Ahab na anak ni Omri ay mas masama sa paningin ni Jehova kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.+ 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito.

  • 2 Hari 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Ang anak ni Ahab na si Jehoram+ ay naging hari ng Israel, sa Samaria, nang ika-18 taon ni Haring Jehosapat ng Juda, at namahala siya nang 12 taon.

  • 2 Hari 3:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Pero ginawa rin niya ang mga kasalanang ginawa ni Jeroboam na anak ni Nebat; pinagkasala rin niya ang Israel.+ Patuloy niya itong ginawa.

  • 2 Hari 10:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Pero hindi naging buong puso ang pagsunod ni Jehu sa Kautusan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ Hindi siya lumihis mula sa mga kasalanan ni Jeroboam na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.+

  • 2 Hari 13:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Noong ika-23 taon ni Jehoas+ na anak ni Ahazias+ na hari ng Juda, si Jehoahaz na anak ni Jehu+ ay naging hari sa Israel sa Samaria, at namahala siya nang 17 taon. 2 Patuloy siyang gumawa ng masama sa paningin ni Jehova, at tinularan niya ang kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nebat na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.+ Hindi siya lumihis mula roon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share