-
Hukom 10:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Muling ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Jehova,+ at nagsimula silang maglingkod sa mga Baal,+ sa mga imahen ni Astoret, sa mga diyos ng Aram,* sa mga diyos ng Sidon, sa mga diyos ng Moab,+ sa mga diyos ng mga Ammonita,+ at sa mga diyos ng mga Filisteo.+ Iniwan nila si Jehova at hindi sila naglingkod sa kaniya.
-
-
2 Hari 10:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Kaya papuntahin ninyo sa akin ang lahat ng propeta ni Baal,+ ang lahat ng mananamba niya, at ang lahat ng saserdote niya.+ Tiyakin ninyong walang kulang kahit isa, dahil marami akong ihahandog para kay Baal. Ang hindi pupunta ay mamamatay.” Pero nagkukunwari lang si Jehu, para mapuksa niya ang mga mananamba ni Baal.
-