-
1 Hari 16:30, 31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
30 Si Ahab na anak ni Omri ay mas masama sa paningin ni Jehova kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.+ 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito.
-
-
2 Hari 23:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Pagkatapos, inutusan ng hari ang mataas na saserdoteng si Hilkias,+ ang katulong na mga saserdote, at ang mga bantay sa pinto na ilabas mula sa templo ni Jehova ang lahat ng kagamitang ginawa para kay Baal, para sa sagradong poste,*+ at para sa buong hukbo ng langit. Pagkatapos, sinunog niya ang mga ito sa labas ng Jerusalem sa dalisdis ng Kidron at dinala ang abo ng mga iyon sa Bethel.+ 5 Pinaalis niya ang mga saserdote ng huwad na diyos, na inatasan ng mga hari ng Juda para gumawa ng haing usok sa matataas na lugar sa mga lunsod ng Juda at sa palibot ng Jerusalem, pati ang mga gumagawa ng haing usok para kay Baal, sa araw, sa buwan, sa mga konstelasyon, at sa buong hukbo ng langit.+
-