-
Exodo 15:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Nakarating sila sa Marah,*+ pero hindi nila mainom ang tubig sa Marah dahil mapait iyon. Kaya naman tinawag niyang Marah ang lugar. 24 Kaya nagbulong-bulungan ang bayan laban kay Moises,+ at sinabi nila: “Ano ang iinumin namin?” 25 Humingi siya ng tulong kay Jehova,+ at itinuro sa kaniya ni Jehova ang isang maliit na puno. Nang inihagis niya iyon sa tubig, tumamis ang tubig.
Ginamit ng Diyos ang pangyayaring ito para ipaalám sa bayan kung ano ang inaasahan niya sa kanila. Sinubok niya sila para makita kung susunod sila o hindi.+
-
-
2 Hari 2:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Nang maglaon, sinabi ng mga lalaki ng lunsod kay Eliseo: “Nakikita ng panginoon ko na maganda ang lokasyon ng lunsod;+ pero hindi ligtas ang tubig, at tigang* ang lupain.” 20 Kaya sinabi niya: “Ikuha ninyo ako ng isang bago at maliit na mangkok, at lagyan ninyo iyon ng asin.” Kaya dinala nila iyon sa kaniya. 21 Pagkatapos, pumunta siya sa pinagmumulan ng tubig at naghagis doon ng asin+ at nagsabi: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Nilinis ko na ang tubig na ito. Hindi na ito magiging dahilan ng kamatayan o ng pagkatigang.’”*
-