Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:23-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Nakarating sila sa Marah,*+ pero hindi nila mainom ang tubig sa Marah dahil mapait iyon. Kaya naman tinawag niyang Marah ang lugar. 24 Kaya nagbulong-bulungan ang bayan laban kay Moises,+ at sinabi nila: “Ano ang iinumin namin?” 25 Humingi siya ng tulong kay Jehova,+ at itinuro sa kaniya ni Jehova ang isang maliit na puno. Nang inihagis niya iyon sa tubig, tumamis ang tubig.

      Ginamit ng Diyos ang pangyayaring ito para ipaalám sa bayan kung ano ang inaasahan niya sa kanila. Sinubok niya sila para makita kung susunod sila o hindi.+

  • 2 Hari 4:38-41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 38 Pagbalik ni Eliseo sa Gilgal, may taggutom sa lupain.+ Nakaupo sa harap niya ang mga anak ng mga propeta,+ at sinabi niya sa tagapaglingkod niya:+ “Isalang mo ang malaking lutuan at magpakulo ka ng sabaw para sa mga anak ng mga propeta.” 39 Kaya isa sa kanila ang pumunta sa parang para manguha ng mga malva,* at nakakita siya ng mga halamang ligáw at nanguha ng mga bunga nito hanggang sa mapuno ang damit niya. Bumalik siya at hiniwa iyon at inihulog sa lutuan, pero hindi niya alam kung ano ang mga iyon. 40 Pagkatapos, inihain nila iyon para makain ng mga lalaki, pero nang matikman nila iyon, sinabi nila: “May lason ang pagkain, O lingkod ng tunay na Diyos!” Kaya hindi nila iyon makain. 41 Kaya sinabi niya: “Kumuha kayo ng harina.” Pagkalagay niya nito sa lutuan, sinabi niya: “Ihain ninyo ito sa mga tao.” At nawala ang lason sa pagkaing nasa lutuan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share