Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 22:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Ang daan ng tunay na Diyos ay perpekto;+

      Ang salita ni Jehova ay dalisay.+

      Isa siyang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya.+

  • 2 Cronica 32:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 “Lakasan ninyo ang loob ninyo at magpakatatag kayo. Huwag kayong matakot o masindak sa hari ng Asirya+ at sa malaking hukbo na kasama niya, dahil mas marami ang kasama natin kaysa sa kasama niya.+

  • Awit 18:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Si Jehova ang aking malaking bato at ang aking moog at tagapagligtas.+

      Ang aking Diyos ang aking bato;+ sa kaniya ako nanganganlong,

      Ang aking kalasag at aking sungay* ng kaligtasan,* ang aking ligtas na kanlungan.*+

  • Awit 27:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  3 Kahit na magkampo ang isang hukbo para salakayin ako,

      Hindi ako matatakot.*+

      Kahit na may makipagdigma sa akin,

      Mananatiling buo ang loob ko.

  • Awit 46:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Si Jehova ng mga hukbo ay kasama natin;+

      Ang Diyos ni Jacob ang ating ligtas na kanlungan.* (Selah)

  • Awit 55:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Ililigtas* niya ako sa mga kaaway ko at bibigyan ng kapayapaan,

      Dahil maraming sumasalakay sa akin.+

  • Awit 118:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Pinalibutan nila ako, oo, napalibutan ako nang lubusan,

      Pero dahil sa pangalan ni Jehova,

      Naitaboy ko sila.

  • Roma 8:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 Kung gayon, ano ang sasabihin natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang lalaban sa atin?*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share