Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 31:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Lakasan ninyo ang loob ninyo at magpakatatag kayo.+ Huwag kayong matakot o masindak sa harap nila,+ dahil nagmamartsang kasama ninyo ang Diyos ninyong si Jehova. Hindi niya kayo iiwan o pababayaan.”+

  • Deuteronomio 31:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Si Jehova ang nagmamartsa sa unahan mo, at lagi ka niyang sasamahan.+ Hindi ka niya iiwan o pababayaan. Huwag kang matakot o masindak.”+

  • Josue 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka,+ dahil ikaw ang aakay sa bayang ito para manahin ang lupaing ipinangako* ko sa kanilang mga ninuno.+

  • Josue 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Hindi ba inutusan na kita? Lakasan mo ang loob mo at magpakatatag ka. Huwag kang masindak o matakot, dahil kasama mo si Jehova na iyong Diyos saan ka man magpunta.”+

  • 2 Hari 6:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Pero sinabi nito: “Huwag kang matakot!+ Dahil mas marami ang kasama natin kaysa sa mga kasama nila.”+ 17 Pagkatapos, nanalangin si Eliseo: “O Jehova, pakisuyo, idilat mo ang mga mata niya para makakita siya.”+ Agad na idinilat ni Jehova ang mga mata ng tagapaglingkod, at nakakita ito. Nakita niyang punô ng mga kabayo at mga karwaheng pandigma na nag-aapoy+ ang mabundok na rehiyon sa palibot ni Eliseo.+

  • 2 Cronica 20:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Sinabi niya: “Makinig kayo, Haring Jehosapat at buong Juda at kayong mga taga-Jerusalem! Sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o masindak sa malaking hukbong ito, dahil ang digmaan ay hindi sa inyo, kundi sa Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share