Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Pagkatapos, inihampas niya sa tubig ang opisyal na damit na nahulog mula kay Elias at sinabi: “Nasaan si Jehova, ang Diyos ni Elias?” Nang hampasin niya ang tubig, nahati ito kaya nakatawid si Eliseo.+

  • 2 Hari 2:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Kaya sinabi niya: “Ikuha ninyo ako ng isang bago at maliit na mangkok, at lagyan ninyo iyon ng asin.” Kaya dinala nila iyon sa kaniya. 21 Pagkatapos, pumunta siya sa pinagmumulan ng tubig at naghagis doon ng asin+ at nagsabi: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Nilinis ko na ang tubig na ito. Hindi na ito magiging dahilan ng kamatayan o ng pagkatigang.’”*

  • 2 Hari 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Walang darating na hangin o ulan; pero mapupuno ng tubig ang lambak* na ito,+ at iinom kayo rito, kayo at ang mga alaga ninyong hayop.”’

  • 2 Hari 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Pagkatapos, pumasok kayong mag-iina sa bahay at isara mo ang pinto. Punuin mo ng langis ang lahat ng lalagyan, at itabi mo ang mga punô na.”

  • 2 Hari 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Kaya pumunta siya sa lingkod ng tunay na Diyos at sinabi niya ang nangyari. Sinabi nito: “Ipagbili mo ang langis at bayaran mo ang mga utang mo. Mabubuhay na kayong mag-iina sa matitira.”

  • 2 Hari 6:5-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Habang pumuputol ng puno ang isa sa kanila, tumilapon sa tubig ang ulo ng palakol. Napasigaw ito: “Naku, panginoon ko, hiram lang iyon!” 6 Sinabi ng lingkod ng tunay na Diyos: “Saan iyon bumagsak?” Kaya itinuro nito sa kaniya kung saan. At pumutol siya ng isang piraso ng kahoy at inihagis iyon doon at pinalutang ang ulo ng palakol. 7 Sinabi niya: “Kunin mo.” Kaya inabot niya iyon at kinuha.

  • 2 Hari 7:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Sinabi ngayon ni Eliseo: “Pakinggan ninyo ang sinabi ni Jehova. Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Bukas ng mga ganitong oras sa pintuang-daan* ng Samaria, magiging isang siklo* ang halaga ng isang seah* ng magandang klase ng harina, at isang siklo ang dalawang seah ng sebada.’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share