-
Exodo 14:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Iniunat ngayon ni Moises ang kamay niya sa ibabaw ng dagat;+ at magdamag na nagpahihip si Jehova ng malakas na hanging silangan at pinaurong ang dagat, kaya natuyo ang sahig ng dagat+ at nahati ang tubig.+ 22 Kaya dumaan ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat,+ habang ang tubig ay naging pader sa kanilang kanan at kaliwa.+
-
-
2 Hari 2:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 At pinulot niya ang opisyal na damit+ na nahulog mula kay Elias, at bumalik siya at tumayo sa pampang ng Jordan. 14 Pagkatapos, inihampas niya sa tubig ang opisyal na damit na nahulog mula kay Elias at sinabi: “Nasaan si Jehova, ang Diyos ni Elias?” Nang hampasin niya ang tubig, nahati ito kaya nakatawid si Eliseo.+
-