-
Genesis 13:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Sinabi ni Jehova kay Abram pagkatapos humiwalay ni Lot sa kaniya: “Pakisuyo, mula sa kinaroroonan mo ay tumingin ka sa paligid mo, sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran, 15 dahil ang lahat ng lupain na natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga supling* mo para maging pag-aari ninyo magpakailanman.+ 16 At gagawin kong kasindami ng mga butil ng alabok sa lupa ang mga supling* mo; kung paanong hindi kayang bilangin ang mga butil ng alabok sa lupa, hindi rin mabibilang ang mga supling* mo.+
-