-
2 Cronica 24:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Iniwan nila ang bahay ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno at nagsimula silang maglingkod sa mga sagradong poste* at sa mga idolo. Nagalit ang Diyos* sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kasalanan nila. 19 Paulit-ulit siyang nagsugo sa kanila ng mga propeta para manumbalik sila kay Jehova, at patuloy na nagbabala* sa kanila ang mga ito, pero hindi sila nakinig.+
-
-
2 Cronica 36:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
-