-
2 Hari 5:25-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 pumasok siya at tumayo sa tabi ng panginoon niya. Sinabi ni Eliseo sa kaniya: “Saan ka galing, Gehazi?” Pero sinabi niya: “Hindi naman umalis ang iyong lingkod.”+ 26 Sinabi ni Eliseo sa kaniya: “Alam ko na bumaba ang lalaki mula sa karwahe niya para salubungin ka. Panahon ba ito para tumanggap ng pilak o tumanggap ng mga damit o ng mga taniman ng olibo o ng mga ubasan o ng mga tupa o ng mga baka o ng mga aliping lalaki o babae?+ 27 Kaya ang ketong ni Naaman+ ay kakapit sa iyo at sa mga inapo mo magpakailanman.” Agad siyang umalis na namumuting parang niyebe dahil sa ketong.+
-