Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 23:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  3 Ang Diyos ng Israel ay nagsalita;

      Sinabi sa akin ng Bato ng Israel:+

      ‘Kapag ang namamahala sa sangkatauhan ay matuwid,+

      Na namamahalang may takot sa Diyos,+

       4 Gaya iyon ng liwanag sa umaga pagsikat ng araw,+

      Isang umagang maaliwalas.*

      Gaya iyon ng liwanag pagkatapos ng ulan,

      Na nagpapasibol ng mga damo sa lupa.’+

  • Awit 119:105
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 105 Ang salita mo ay lampara sa aking paa,

      At liwanag sa aking landas.+

  • 1 Corinto 13:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Sa ngayon, malabo pa ang nakikita natin na para bang tumitingin tayo sa isang salaming metal, pero makakakita rin tayo nang malinaw, na para bang nakikita natin nang mukhaan ang isang tao. Sa ngayon, kaunti pa lang ang alam ko tungkol sa Diyos, pero makikilala ko rin siya nang lubos* kung paanong lubos* niya akong nakikilala.

  • 2 Corinto 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Dahil ang Diyos ang nagsabi: “Pasikatin ang liwanag mula sa kadiliman,”+ at sa pamamagitan ng mukha ni Kristo, pinasikat niya ang Kaniyang liwanag sa aming mga puso,+ ang liwanag na nagbibigay ng kamangha-manghang kaalaman tungkol sa Diyos.+

  • 2 Pedro 1:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Kaya lalong naging totoo sa amin ang binanggit na hula, at mabuti ang ginagawa ninyong pagbibigay-pansin dito na gaya ng sa isang lamparang+ lumiliwanag sa isang madilim na lugar (hanggang sa magbukang-liwayway at sumikat ang bituing pang-araw)+ sa puso ninyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share