-
Genesis 50:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Sinabi ni Jose: “Huwag kayong matakot. Diyos ba ako? 20 Kahit gusto ninyo akong ipahamak noon,+ hinayaan ito ng Diyos para sa ikabubuti, nang sa gayon ay mailigtas ang maraming tao, gaya ng ginagawa niya ngayon.+ 21 Kaya huwag na kayong matakot. Patuloy akong maglalaan ng pagkain sa inyo at sa inyong maliliit na anak.”+ Sa gayon, pinatibay niya sila at kinausap para mapanatag ang loob nila.
-